ANG INAHING MANOK/KWENTONG PAMBATA

"𝗔𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗸"

Minsan, may isang Inahing Manok na nakakita ng mga butil ng palay. Pinakiusapan niya ang Pusa, ang Bibe, ang Baboy at ang Kambing na magsipagtanim. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya paunlakan ng mga kaibigan.

Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim. Ilang araw lang ay sumibol na ang mga binhi. Nang maglakihan at maging ginto na ang mga butil ay pinakiusapan niyang muli ang mga kaibigan upang tulungan siyang mag-ani. Hindi na naman siya tinulungan ng mga kaibigan.

Nang mapagsama-sama na at maisalansan ang mga inaning palay ay kinailangang bayuhin na ang mga ito upang ihiwalay na ang malilinis na butil ng bigas.

Matrabaho rin itong gawain kaya pinakiusapan niyang muli ang mga kaibigan. Hindi na naman siya sinamahan ng mga kaibigan. Napilitang bayuhin at ihiwalay ng Inahin ang bigas sa ipa. Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay isinaing ng masipag na Inahin. Nang ihain na niya ang mapuputing kanin ay isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan na nakikiusap na makasalo sa pagkain.

Ikinalulungkot ko, mga kaibigan. Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lang para sa pamilya namin.

Aral: Sa hirap at ginhawa, kailangang sama-sama.

Comments

Popular Posts